MGA LIBRENG PRATIKAL NA TIPS PARA MATUTO NG WIKANG INGLES

 

Mabuhay! Gusto mong matutong magsulat, magsalita, magbasa, at makaintindi ng Ingles. Ayos! Maraming dahilan kung bakit gusto nating matuto ng wikang Ingles. Ang iba ay gustong makipag-usap para sa trabaho dahil galling sa iba’t ibang bansa ang katrabaho nila. Mayroon ding mga gustong makapasa sa Pagsusulit ng Kasanayan sa Ingles. At ang iba naman ay naglalayon lang na magkaroon ng mataas na tiwala sa sarili o dahil nais nilang tumira o magtrabaho sa ibang bansa.  Kung ano man ang iyong dahilan, dapat mong malaman- KAYA MO , MATUTUTUNAN MO AT MAKAKASANAYAN MO ANG PAGSASALITA NG INGLES.

 

Habang sinuman ay maaaring matuto ng wikang Ingles, mahalaga na malaman nyo ang inyong maaasahan. Ang iyong tagumpay at pag unlad ay naka depende sa iyong pag pursige, oras at enerhiyang ilalaan sa pag aaral. Oo, IKAW ang SUSI! Narito ang ilang praktikal tips na kaya mong ma ensayo at gawin agad kahit hindi ka bumili ng aming kurso. :)

 

Tip #1: MAGBASA. Para makapagsulat at makabasa ng wikang Ingles, kailangan ng malawak na bokabularyo. Upang palawakin ito, dalasan o gawing kaugalian ang pagbasa ng kahit anong Ingles na libro o materyales.

Tip #2: ENGLISH DICTIONARY.  Mag install ng diksyunaryong app sa inyong mga mobile phone o ugaliing magdala ng aktual na diksyunaryo upang mahanap mo ang ibig sabihin ng mga bagong salita na makikita mo habang nagbabasa. Siguraduhin na gagamitin mo ang mga bagong salita na natutunan mo sa mga pangungusap sa pang araw araw na pakikipag-ugnayan.

Tip #3: GUMAWA NG TAKDANG LAYUNIN. Mag lista ng mga bagong salita na nais mong matutunan sa isang araw. Kapag gumawa ng takdang layunin at natupad mo ito makakamit mo ang pakiramdam ng tagumpay at ito ay makakatulong upang maingganyo ka na magpatuloy matuto.

Tip #4: SULAT! SULAT! SULAT! Mag ensayong mag sulat gamit ang wikang Ingles. Gumamit ng app gaya ng Grammarly ( libre sa grammarly.com) na magtatama ng inyong gramatika at tutulong upang makita ang mga mali sa inyong ginawa. Mag ensayong magsulat ng mas madalas hangga’t maaari.

Tip #5: MAG ENSAYONG MAGSALITA. Madalas, tayong mga Pinoy ay hindi sanay pag nakakarinig ng nagsasalita ng wikang Ingles sa ating paligid. Ang iba’y nagsasabi pang sila ay Trying Hard.  Aminado tayo sa sitwasyong ito. Ngunit ang totoo ay, tayo ay nagiging kaisa ng Global Market,  ngayon, higit sa dati, naging mahalaga na ang matutong makipag usap gamit ang wikang Ingles. Ginagamit natin ito sa eskwela, trabaho, pagtitipon-tipon at pag lalakbay. Kailangan nating maghanap ng paraan- samahan at lugar kung saan pwede tayong mag ensayong magsalita ng wikang Ingles. HUWAG mahiya, at HUWAG masasaktan kung may nais magtama ng iyong gramatiko o pagbigkas. Ito ay parte ng daan sa pagkakatuto. Aming inirerekumenda na maghanap ng kapareha sa page-ensayo, araw araw. May mga LIBRENG language exchange na websites na maaari mong gamitin.

Tip #6: MANUOD AT MAKINIG. Sa panunuod ng mga Ingles na pelikula, sitcoms at kanta ikaw ay natututo ng mga bagong salita at tamang bigkas. Ikaw ay magugulat na mas madaling matuto at kumuha ng mga linya at salita kung gagawin mo ito parate.

Tip #7: HUWAG MATAPOS MATUTO. Ang wikang Ingles ay isa sa mga pinaka kumplikadong wika. Panatilihin ang pag-aaral.

Sa wakas, malalaman mong nakasanayan mo na ang wikang Ingles kapag:

  1. Nag iisip ka ng pa-Ingles. Halimbawa: pag nakakita ka ng bagay, kinikilala mo ito sa isip mo gamit ang wikang Ingles.

  2. Nagsasalita ka na di gaanong nagsasalin ng mga wika at walang pag dadalawang isip. Hindi ka na humihinto, madali mo ng nagagawa ang mga pangungusap kapag binibigkas mo ito.

Sana ay nakatulong ang mga LIBRENG tips na aming binahagi.

 

Kung ikaw ay interesado sa pag angat sa mas pormal na kurso na tutulong sayo sa wikang Ingles ng mas mabilis, maaari kang bumili ng aming mga Packages . Sa LIMITADONG ORAS, kami ay mayroong Grammar, American English Language, pagbabasa at pag unawang kurso (IELTS Review Materials) sa napaka babang halaga.  

 

 

1. English Grammar Master Pack (₱645)

 -- 85 Chapters, 469 Videos at 650+ na libreng files

NILALAMAN: https://bit.ly/M-EG

 

2. American Accent Master Pack (₱645)

-- matiryales galing sa Cambridge University, Oxford University, at iba pa…

NILALAMAN:https://bit.ly/M-English

 

3. IELTS Master Pack (₱888)

-- 1024 Files, 145 na Folders

Ipasa ang IELTS exam. Kasama ang packages 1&2.

NILALAMAN:https://bit.ly/UltimateEnglish-Master-Pack